Ambulansya nahulog sa bangin sa Cagayan; pasyente, 3 iba pa sugatan

By Dona Dominguez-Cargullo May 25, 2020 - 03:25 PM

Nahulog sa bangin ang ambulansya ng Baggao District Hospital dahil sa madulas na daan sa Sitio Assaw, Bitag Grande, Baggao kahapon, Mayo 24, 2020.

Magdadala sana ng pasyente sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) ang ambulansya.

Nasugatan angpasyente at asawa nito na kapwa nagtamo ng galos sa katawan.

Sugatan din ang driver ng ambulansya at nurse na nilapatan ng lunas sa District Hospital na pinanggalingan ng pasyente.

Sa salaysay ni Barangay Captain Nuñez ng Bitag Grande, nagkaroon ng landslide sa naturang daan dulot ng pag-ulan na sanhi rin ng pagkakahulog ng ambulansya sa bangin.

Sa imbestigasyon naman ng PNP Baggao, nabatid na nagpreno umano ang ambulansya dahil sa may biglang tumawid sa daan ngunit dumiretso ang sasakyan sa bangin dahil sa madulas na daan.

 

 

TAGS: accident, ambulance, Baggao, Cagayan, accident, ambulance, Baggao, Cagayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.