Libu-libo pang OFWs na uuwi sa bansa, ididiretso na sa quarantine facilities sa kanilang mga lalawigan
Sa layong maiwasan na ang congestion ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga quarantine facilities sa Metro Manila, nagpasya ang pamahalaan na idiretso na sa kanilang mga lalawigan ang mga pauwi pang OFWs.
Sinabi ito ni Labor and Employment Secretary Silvestre Bello III sa panayam ng Radyo Inquirer.
Ayon kay Bello, tinatayang 44,000 na OFWs pa ang uuwi sa bansa sa susunod na mga araw.
Sinabi ni Bello na marami naman nang mga lalawigan ang mayroon nang sariling quarantine facilities.
Kaya para hindi maipon dito sa Metro Manila, ang mga OFW na darating sa bansa sa susunod na mga araw ay ididiretso sa quarantine facilities kanilang lalawigan.
Binanggit ni Bello ang Clark, Cebu, Iloilo, Cagayan de Oro at Davao City na pawang may mga sarili nang quarantine facilities.
Magugunitang nagkaproblema ang pamahalaan nang dumami ang mga OFW sa mga quarantine facilities.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.