Comelec walang access sa internal system ng mga vote-counting machines

By Jong Manlapaz February 16, 2016 - 02:53 PM

Bautista vcm
Inquirer photo

Sa pagdinig ng Joint Congressional Oversight Committee sa automated election system, lumabas na kahit ang Comelec ay hindi makaka-access sa vote-counting machines.

Ayon kay Smartmatic Techonology manager Marlon Garcia, walang paraan para i-manipulate o maoperate ang VCM pabor sa isang kandidato.

Sinang-ayunan naman ito ni Comelec chairman Andy Bautista na kahit ang Comelec ay walang access sa system ng VCM.

Pero nilinaw ng Smartmatic na magkakaroon lamang ng access ang poll body sa sytem ng VCM kapag natapos na ang oras ng botohan.

Hindi naman pumayag dito si Atty. Ivan John Uy ng United Nationalist Alliance (UNA).

Bagkus, hiniling niya na ma-review ang mga makinang gagamitin sa halalan na sinang ayunan naman ng Smartmatic pero sa pamamagitan ng executive session.

TAGS: bautista, comelec, smartmatic, VCM, bautista, comelec, smartmatic, VCM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.