3 patay sa stampede sa Sri Lanka sa kasagsagan ng pamimigay ng $8 na halaga ng ayuda

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 03:27 PM

Tatlong babae ang nasawi matapos maipit sa stampede na naganap sa Sri Lanka habang ipinamamahagi ang tulong pinansyal na aabot sa $8.

Nangyari ang insidente sa Colombo City kung saan 1,000 katao ang nakapila sa labas ng warehouse ng isang negosyante.

Namamahagi ng tulong pinansyal ang negosyante para sa mga apektado ng lockdown dahil sa COVID-19. Pero taun-taon ay ginagawa niya rin ito sa panahon ng [agtatapos ng ramadan.

Ayon sa mga otoridad, nang magbukas ang gate ng warehouse ay nag-unahan na ang mga residente para makuha ang 1,500-rupee na halaga ng tulong.

Maliban sa tatlong nasawi, 9 pa ang sugatan sa insidente.

Dalawang buwan nang walang hanapbuhay ang mga residente doon dahil sa lockdown na ipinatupad mula noong March 20.

Dinakip naman ang negosyante at lima niyang kasamahan dahil sa paglabag sa mga alituntunin sa ilalim ng ipinatutupad na lockdown.

Ang gobyerno ng Sri Lanka ay nauna nang namahagi ng 5,000 ruppes sa bawat mahihirap na pamilya.

 

 

TAGS: Colombo City, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Stampede, Tagalog breaking news, tagalog news website, Colombo City, covid pandemic, COVID-19, Health, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Sri Lanka, Stampede, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.