Dami ng umuuwing OFWs maaring magdulot ng 2nd wave ng COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 01:59 PM

Posibleng ang dami ng mga umuuwing Overseas Filipino workers (OFWsa) ng mag trigger ng second wave ng coronavirus disease (COVID-19) infections sa bansa.

Ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr., kabilang sa mga OFWs na dumarating at paparating pa lang sa bansa ay pawang mula sa United States, Italy, Spain at ilang parte ng Middle East.

Sa dami aniya ng umuuwing OFWs, maaring magkaroon ng spike o pagtaas sa kaso ng sakit.

“And nakikita natin dito is yung magkaroon ng spike ang mga lugar at isa rito na nakikita natin is yung importation ng transmission through malaking influx ng ating OFWs,” ani Galvez.

Sa ngayon umabot na sa 30,000 OFWs na umuwi sa bansa ang naisailalim sa COVID-19 test at 600 sa kanila ang nagpositibo.

 

 

 

 

TAGS: 2nd wave, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, ofw, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, 2nd wave, COVID, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, ofw, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.