4 na volcanic earthquake naitala sa Bulkang Taal sa magdamag
By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 08:40 AM
Nakapagtala ng 4 na volcanic earthquake sa bulkang Taal sa nakalipas na magdamag.
May naitala ding mahinang steaming activity sa main crater ng bulkan na ang taas ay umabot sa 50 meters.
Ayon sa Phivolcs, nananatili sa alert level 1 ang alert status ng bulkang Taal.
Bawal pa rin ang pagpasok sa permanent danger zone ng bulkan partikular sa bisinidad ng main crater at sa Taal Volcano Island.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.