Dalawang anak ng konsehal sa Maynila timbog sa buy-bust operation

By Dona Dominguez-Cargullo May 22, 2020 - 06:19 AM

Arestado sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila ang dalawang anak ng kasalukuyang konsehal sa Maynila.

Maliban sa dalawang anak ng konsehal, nadakip din ang apat pa nilang kasamahan.

Ikinasa ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang operasyon laban sa magkapatid na edad 27 at 33.

Kapwa sila anak ni Manila 1st District Councilor Jesus “Taga” Fajardo.

Mismong si Konsehal Fajardo ang sumulat sa mga pulis at sa barangay para hilingin na salakayin ang gilid ng kaniyang bahay na ginagawang drug den.

Ayon sa liham ni Fajardo, napag-alaman niyang ginagawang drug den ang gilid ng kaniyang bahay at sangkot umano ang kaniyang mga anak.

Sinabi niya sa kaniyang sulat na wala siyang gagawing anumang aksyon para pigilan ang operasyon at pinahihintulutan niya ang mga pulis na salakayin ang gilid ng kanyang bahay.

Sinuman aniyang madatnan ng mga pulis sa pinaniniwalaang drug den ay dapat arestuhin, ikulong at kasuhan.

Nang gawin ng mga otoridad ang pagsalakay ay nadatnan nga sa drug den ang anak na babae at lalaki ng konsehal.

Kasama din sa mga nadakip ang live-in partner ng babaeng anak at 3 iba pa.

Hawak na ngayon ng MPD Station 2 ang mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 

 

TAGS: buy bust, Councilor Jesus Fajardo, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo, War on drugs, buy bust, Councilor Jesus Fajardo, Inquirer News, manila, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Tondo, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.