BREAKING: Bilang ng mga gumaling sa COVID-19 sa Pilipinas, sumampa na sa 3,000

By Angellic Jordan May 21, 2020 - 04:15 PM

Pumalo na sa 3,000 ang bilang ng mga naka-recover na pasyente sa COVID-19 sa Pilipinas.

Batay sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Huwebes ng hapon (May 21), 68 ang bagong gumaling sa COVID-19 sa bansa.

Samantala, sumampa na sa 13,434 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa Pilipinas.

9,588 rito ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 213 ang bagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.

Sa 213 na bagong kaso, 98 o 46 porsyento ay mula sa National Capital Region; 98 o 46 porsyento rin sa Region 7; habang 17 o anim na porsyento sa iba pang lugar.

Apat naman ang nadagdagan sa COVID-19 related deaths kaya umabot na sa 846.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Philippines, COVID-19 deaths in Philippines, COVID-19 recoveries in Philippines, COVID-19 update, DOH COVID-19 monitoring, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.