New Zealand niyanig ng 6.2 magnitude na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2016 - 09:08 AM
Tumama ang magnitude 6.2 na lindol sa karagatan ng New Zealand.
Naganap ang lindol alas 8:28 ng umaga sa New Zealand at ang sentro ay naitala sa 219 kilometers northwest ng Auckland Islands.
Wala namang inilabas na tsunami warning matapos ang pagyanig.
Noon lamang nakaraang linggo, ginunita ang ikalimang anibersaryo ng 6.3 magnitude na lindol na tumama sa Christchurch New Zealand kung saan umabot sa 185 ang nasawi.
Ang New Zealand ay nasa boundary ng Australian at Pacific tectonic plates.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.