Lockdown sa malaking bahagi ng Baclaran epektibo na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo May 21, 2020 - 06:46 AM

Epektibo na simula alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, May 21 ang pag-iral ng “calibrated lockdown” sa Barangay Baclaran sa Parañaque City.

Sampung kalye sa Baclaran ang sasakupin ng lockdown.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, sa loob ng tatlong araw na lockdown ay magsasagawa sila ng isolation at mass testing sa mga suspected COVID-19 patients.

Tatagal ang lockdown hanggang sa May 23, alas 6:00 ng umaga.

Apektado ng lockdown ang sumusunod na lansangan:

– Bagong Sikat
– Bagong Lipunan
– Bagong Pag-asa
– Bagong Ilog
– E. Rodriguez
– Bagong Buhay
– Bagong Silang
– Dimasalang Extension
– Mabuhay
– 12 de Junio

Sa panahon ng pag-iral ng lockdown, isasailalim din sa disinfection ang lahat ng kalye.

Suspendido ang pagpapagamit sa quarantine passes kaya walang pwedeng lumabas ng bahay.

Susuplayan naman ng relief goods ang mga residente.

Sarado din ang mga bangko, tindahan, gasoline stations, money remittance centers at palengke.

Ang Parañaque City ay mayroong 652 na kumpirmadong kaso ng COVID-19.

Labinganim sa mga kaso ay mula sa Baclaran.

 

 

 

TAGS: baclaran lockdown, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, paranaque city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, baclaran lockdown, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, paranaque city, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.