Comment ni Manny Pacquiao sa same-sex marriage, ‘barbaric’ ayon kay Perez Hilton

By Dona Dominguez-Cargullo February 16, 2016 - 07:28 AM

Aiza Seguerra on pacquiao Feb 16Umani ng batikos ang pahayag ni Saranggani Rep. Manny Pacquiao hinggil sa kaniyang pananaw sa same-sex marriage.

Sa panayam kasi kay Pacquiao sa Amerika, hiningan ito ng opinyon sa same-sex marriage. Sa kaniyang tugon, sinabi ni Pacquiao na ang ‘babae ay ginawa para sa lalaki, at ginawa ang lalaki para sa babae’.

Aniya, kahit ang mga hayop ay marunong kumilala ng lalaki at babae kaya mas masahol pa aniya sa hayop ang tao kung lalaki sa lalaki at babae sa babae ang relasyon.

Ang komentong ito ni Pacquiao ay hindi nakaligtas sa celebrity blogger na si Perez Hilton, at tinawag na ‘horrific’ at ‘damaging’ ang komento ni Paquiao.

Nagtataka si Hilton kung bakit kailangang ikumpara ni Pacquiao sa hayop ang mga homosexual. Sinabi ni Hilton na kung ito ang paniniwala ni Pacquiao base sa kaniyang relihiyon, hindi aniya tamang maliitin ang mga gay people ay ikumpara sa hayop.

“What?! Why do people have to compare homosexuality to animals?! WHY?? Look, if your religious beliefs prevent you from accepting same-sex marriage, that’s on you. That’s YOUR idea of propriety. But there’s absolutely no call to demonize and denigrate gay people by comparing them to animals just because their love is something YOU’RE unable to accept,” ayon kay Hilton.

Nakalulungkot ayon kay Hilton dahil sa pagiging tanyag at itinuturing na bayani si Pacquiao bilang magaling na boksingero ay posibleng maluklok ito sa senado at maipalaganap ang kaniyang hindi magandang asal sa buong Pilipinas.

“The sad thing here is that Pacquiao is world famous and a national hero as a boxer, so we can only guess he’ll win his election to the Senate pretty easily — and then spread this awful attitude around within his country,” dagdag pa ni Hilton.

Hindi rin nakaligtas sa singer-actress na si Aiza Seguerra ang komentong iyon ni Pacquiao.

Sa kaniyang Instagram account idinaan ni Aiza ang pagkadismaya at sinabing nawala ang kaniyang respeto sa pambansang kamao.

Sinabi ni Aiza na dahil sa pahayag ni Pacquiao, ipinakita lang nitong hindi talaga siya karapat-dapat na iboto.

Nanawagan din si Aiza sa mga botante na kilalanin ang mga iboboto dahil ang kailangan ng Pilipinas ay ang mga taong nag-iisip.

“I am so fu&*#in’ mad I don’t know what to say. You might’ve done our country proud but with your statement, you just showed the whole country why we shouldn’t vote for you. And yes, I think you are an ignorant, bigoted hypocrite. You made me lose all respect that I had for you, Mr. Pacquiao,” nakasaad sa Instagram post ni Aiza.

TAGS: Aiza Seguerra disappointed on manny pacquiao's comment on same-sex marriage, Manny Pacquiao's comment on same-sex marriage barbaric according to perez hilton, Aiza Seguerra disappointed on manny pacquiao's comment on same-sex marriage, Manny Pacquiao's comment on same-sex marriage barbaric according to perez hilton

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.