Niyanig ng 3.6 magnitude na lindol ang bayan ng Botolan sa Zambales.
Naitala ang lindol alas 6:15 ngayong umaga, at namataan ang epicenter nito sa 1km South East ng Botolan.
May lalim na 22km ang lindol at tectonic ang origin.
Bagaman mahina lamang ang magnitude, naramdaman ang Intensity 2 sa Iba, Zambales.
Wala namang inaasahang pinsala at aftershocks ang Phivolcs matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.