Apat na pasyente sa Western Visayas, gumaling sa COVID-19; Isang kaso, naitala rin

By Angellic Jordan May 20, 2020 - 08:25 PM

Naka-recover na ang apat pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.

Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang May 20, umakyat na sa 70 ang total recoveries ng sakit sa nasabing rehiyon.

Kabilang sa bagong gumaling ang mga sumusunod:
– 51-anyos na babae mula sa La Paz, Iloilo City
– 50-anyos na lalaki mula sa Molo, Iloilo City
– 30-anyos na lalaki mula La Paz, Iloilo City
– 23-anyos na lalaki mula sa City Proper, Iloilo City

Ang isang bagong nagpositibong kaso naman ay 32-anyos na lalaki at residente ng Roxas City, Capiz.

Nakasailalim ang bagong COVID-19 patient sa quarantine facility.

Sa kabuuan, umakyat na sa 105 ang tinamaan ng COVID-19 sa Western Visayas.

Samantala, nananatili naman sa 10 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.

TAGS: breaking news, COVID-19 cases in Western Visayas, COVID-19 deaths in Western Visayas, COVID-19 survivors in Western Visayas, COVID-19 update, DOH Western Visayas CHD, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news, breaking news, COVID-19 cases in Western Visayas, COVID-19 deaths in Western Visayas, COVID-19 survivors in Western Visayas, COVID-19 update, DOH Western Visayas CHD, Inquirer News, latest news on COVID-19, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.