Rehabilitasyon sa bahagi ng Roxas Boulevard, binigyan na ng ‘go signal’ ni Moreno

By Angellic Jordan May 20, 2020 - 06:48 PM

Nagbigay na ng ‘go signal’ si Manila City Mayor Isko Moreno sa magsagawa ng rehabilitasyon ang Department of Public Works and Highway (DPWH) sa bahagi ng Roxas Boulevard,

Ito ay matapos madiskubre ang ilang bitak sa bahagi ng Roxas Boulevard.

Ayon sa Manila Public Information Office, inaprubahan ng alkalde ang hiling ni DPWH Engr. Mikunug Macud na ayusin ang Remedios Street, kabilang ang drainage system sa Malate.

Ngunit, ang kondisyon ng Manila City government ay tatagal lamang ang rehabilitasyon simula May 21 hanggang June 25, 2020.

Hindi anila papayagang palawigin ang pagsasaayos ng nasabing kalsada.

Kasunod nito, ipatutupad ang road closure sa southbound lane ng Roxas Boulevard sa kasagsagan ng rehabilitation period.

Sinabi pa ni Moreno sa DPWH na makipag-ugnayan sa the Manila Traffic and Parking Bureau at Manila Police District Traffic Enforcement Unit para sa approval ng traffic plan.

TAGS: DPWH, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Roxas Boulevard rehabilitation, DPWH, Inquirer News, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, Roxas Boulevard rehabilitation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.