US President Obama, pangungunahan ang Special US-ASEAN Summit
Pangungunahan ni US President Barack Obama ang pagtanggap sa mga lider ng mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN ngayong araw para sa gaganaping Special US-ASEAN Summit.
Magaganap ang dalawang araw na pagpupulong sa 200-ektrayang Sunnylands resort sa California.
Itinuturing ng White House na isang pagkakataon ang okasyon upang ipakita ang kahalagahan ng ASEAN bago ito bumaba sa kanyang puwesto sa January 2017.
Si Pangulong Aquino ay dumating na sa California upang dumalo sa okasyon.
Gayunman, ang mga pinuno ng Vietnam at Myanmar ay magpapadala na lamang ng kanilang mga kinatawan sa pagpupulong.
Kung dati ay itinuturing na luma na ang konsepto ng pagkakaroon ng ASEAN, ngayon ay isa na itong malakas na bahagi ng polisiya ni President Obama sa paglipat nito ng atensyon sa Asya.
Ayon kay Ben Rhodes, foreign policy advisor ni Obama, nasa bahagi na ng interes ng Amerika ang ASEAN sa mga panahong ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.