Metro Manila at ilang lalawigan sa Luzon, uulanin sa mga susunod na oras
Makakaranas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng Metro Manila at iba pang lalawigan sa Luzon, ayon sa PAGASA.
Sa thunderstorm advisory bandang 1:23 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kidlat at malakas na hangin sa Bataan, Bulacan, Rizal at Quezon.
Uulanin din ang bahagi ng Muntinlupa City at Las Piñas City sa Metro Manila; Mayantoc, Capas at Bamban sa Tarlac; Mabalacat at Floridablanca sa Pampanga; at Tanauan sa Batangas.
Mararamdaman din ang pag-ulan sa bahagi ng San Pedro, Calamba at Los Baños sa Laguna; at sa Bacoor, Imus, Dasmariñas, General Trias at Trece Martires sa Cavite.
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Paalala naman ng PAGASA, maging maingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.