PNP iniutos ang balasahan sa apat na matataas na opisyal
Nagpatupad ng balasahan sa apat na matataas na opisyal ang Philippine National Police.
Base sa utos ni PNP chief Police General Archie Francisco Gamboa iniutos ang revamp sa ilang key officials ng Pambansang Pulisya.
Kabilang sa naapektuhan ang mga sumusunod:
– Police Major General Dionardo Carlos inilipat sa Directorate for Police Community Relations (DPCR) mula sa DICTM.
– Police Major General Joselito Vera Cruz inilipat sa Directorate for Information and Communications Technology Management mula sa DIPO, Western Mindanao
– Police Brigadier General Alfred Corpus inilipat sa Directorate for Integrated Police Operations, WM mula sa Police Regional Office 12
– at si Police Brigadier General Michael John Dubria inilipat sa Police Regional Office 12 mula sa CSG.
Ang reshuffle ay dahil sa mandatory retirement ni Police Major General Benigno Durana na siyang outgoing chief ng DPCR.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.