PSPG, naglunsad ng proyekto para sa food security sa gitna ng community quarantine sa bansa

By Angellic Jordan May 19, 2020 - 07:00 PM

Inilunsad ng Police Security and Protection Group (PSPG) ang isang proyekto tungo sa food security ng mga mamamayan sa kasagsagan ng community quarantine bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa pangunguna ni Dr. Reghis Romero II (RII), inilunsad ang proyekto na nagtutulak sa pagtatanim ng mga gulay sa anumang available na lupa ng bawat bahay upang mapanatili ang agrikultura at mapangalagaan ang kalikasan.

Ayon pa sa PSPG, layunin ng proyekto na magkaroon ng maayos at malinis na suplay ng agricultural products sa pamamagitan ng paglaganap ng agricultural production sa mga urban at peri-urban areas na nakabase sa “Joy of Urban Farming” (JFP) program ni Quezon City Mayor Joy Belmonte.

Samantala, sa pangunguna rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ng Quezon City Mayor’s Office, nagdaraos din ang grupo ng lectures at namamahagi ng seedlings ng iba’t ibang klase ng gulay na pwedeng itanim sa recycled containers.

Binubuo ang nasabing grupo ng 2,000 tauhan na nangangalaga sa urban farms sa kani-kanilang mga bahay.

Iba pa ito sa 21 pasilidad ng PSPG sa Malacañang grounds, Camp Crame, Batasang Pambansa, Intramuros at sa iba pang satellite offices sa Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.