Liquor ban sa Mandaluyong City, binawi na

By Angellic Jordan May 19, 2020 - 08:06 PM

Inalis na ng pamahalaang lungsod ng Mandaluyong ang pag-iral ng liquor ban.

Sa ibinahaging kopya ng Ordinance no. 777 S-2020 ng Marikina City Public Information office, pirmado na ito ni Mayor Menchie Abalos.

Layon ng ordinansa na payagan na muli ang pagbebenta at pagbili ng mga nakakalasing na inumin sa lungsod.

Ngunit, papayagan lamang ang pag-inom sa loob ng bahay para masunod pa rin ang social distancing measures at iba pang health and safety protocols sa COVID-19.

Ipinagbabawal pa rin ang pag-inom sa mga pampublikong lugar at restaurant o bar sa nasabing lungsod.

Hindi rin dapat mag-imbita ng mga bisita ang para mag-inuman sa loob ng bahay.

TAGS: Inquirer News, liquor ban sa Mandaluyong City, Ordinance no. 777 S-2020, Radyo Inquirer news, Inquirer News, liquor ban sa Mandaluyong City, Ordinance no. 777 S-2020, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.