LGUs pinagsusumite ng listahan para sa 2nd tranche ng SAP
Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units nag magsumite ng listahan ng mga pamilya na maaring makatanggap ng ikalawang tranche ng cash aid sa ilalim ng social amelioration program (SAP).
Binigyan lang ng DILG ng hanggang May 21 ang mga LGU para maisumite ang listahan.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año kabilang dapat sa isusumiteng listahan ang mga low-income families.
Isisumite ang initial list ng second tranche recipients ng mga barangay.
Sasailalim naman ito sa validation ng DSWD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.