Donasyong ventilators ng China sa Pilipinas parating na sa bansa
Darating na sa bansa ang panibagong batch ng mga ventilator na donasyon ng China sa Pilipinas.
Ayon sa Chinese Embassy sa Maynila, ang panibagong batch ng donasyon ay kinabibilangan ng mga SH300 ICU Ventilators.
Nakaalis na ito sa Shanghai, China at nakatakdang dumating sa Manila North Port.
Kamakailan ay nagbigay din ng medical supplies ang Ministry of National Defense ng China sa Department of National Defense ng Pilipinas.
Ang donasyon ay kinabibilangan ng 80,000 surgical masks, mga PPE at protective goggles.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.