Pamunuan ng mga mall pupulungin ng Joint Task Force COVID-19 Shield

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2020 - 08:02 AM

Nagpatawag ng pulong ang Joint Task Force COVID-19 Shield sa pamunuan ng mga mall para talakayin ang ipatutupad na health measures sa mga establisyimento.

Ngayong umaga pupulungin ni Joint Task Force COVID-19 Shield head at PNP deputy chief for operations Police Lieutenant General Guillermo Eleazar ang namumuno sa pagpapatupad ng seguridad sa mga mall.

Ito ay para ilahad sa kanila ang health security measures na dapat nilang ipatupad sa mga mall.

Sa panayam ng Radyo Inquirer sinabi ni Eleazar na kabilang dito ang pagtitiyak na limitado lamang ang tao sa loob ng mall at mga stalls na nasa loob nito para masiguro na nasusunod ang physical distancing.

Ani Eleazar, trabaho ng mga mall security ang paglimita sa mga pumapasok sa mall.

Pagdating naman sa loob ng mall, dapat limitado din ang pinapapasok sa mga store.

Sa dalawang buwan na umiral ang enhanced community quarantine, sinabi ni Eleazar na dapat ay napaghandaan na ng mga pamunuan ng establisyimento ang ipatutupad nilang alituntunin sa kanilang muling pagbubukas.

Pero iba aniya ang nangyari para sa ilang mall noong weekend na dumagsa ang mga tao sa loob at hindi na halos nasunod ang physical distancing.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, health measures, Inquirer News, Joint Task Force COVID-19 Shield, malls, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, health measures, Inquirer News, Joint Task Force COVID-19 Shield, malls, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.