Meralco pinagpapaliwanag ng ERC sa mataas na bill ng consumers

By Dona Dominguez-Cargullo May 19, 2020 - 06:45 AM

Hinihingan ng paliwanag ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Meralco sa paglobo ng bayarin sa kuryente ng mga consumer nito.

Ayon sa ERC, pinadalhan na nito ng liham ang Meralco at inaatasan na magpaliwanag at magpakita ng pruweba o basehan nito sa ginawang pag-compute sa consumption ng mga consumer sa panahong mayroong enhanced community quarantine na umiiral.

Ayon sa ERC inulan sila ng reklamo mula sa mga consumer dahil sa mataas na bill para sa mga buwan ng Marso, Abril at pati na Mayo.

Limang araw lang ang ibinigay ng ERC sa Meralco para magsumite ng paliwanag at mga dokumento.

Sa pamamagitan ng mga isusumiteng datos, sinabi ng ERC na matutukoy nila kung tama ang mga ginamit na basehan ng Meralco para sa ginawang pag-compute sa bayarin ng consumers.

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, erc, general community quarantine, Health, Inquirer News, Meralco, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, erc, general community quarantine, Health, Inquirer News, Meralco, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.