23 opisyal ng barangay sinampahan na ng kasong kriminal dahil sa anomalya sa distrbibusyon ng SAP

By Dona Dominguez-Cargullo May 18, 2020 - 10:53 AM

Nasampahan na ng reklamong kriminal ang 23 opisyal ng barangay dahil sa mga anomalya sa pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng gobyerno.

Ayon kay Interior and Local Government Sec. Eduardo Año, reklamong palabag sa RA 2019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Bayanihan Heal As One Act ang isinampa ng PNP-CIDG laban sa mga opisyal ng barangay.

Sinabi ni Año na maraming iba pang opisyal ng barangay ang sumasailalim ngayon sa imbestigasyon ng PNP-CIDG.

Sa mga susunod na araw aniya ay mas marami pa ang masasampahan ng kaso.

Sa ngayon nagsasagawa ng case build-up ang PNP-CIDG laban sa 110 pang opisyal ng barangay.

Ang reklamo ay inihain sa Department of Justice (DOJ).

Ang mga inireklamong opisyal ng barangay na kinabibilangan ng mga kapitan, mga kagawad, barangay treasurers, barangay secretaries, barangay employees, purok leaders, at iba pa ay inaakusahan ng pambubulsa, pagbawas at iba pang anomalya sa SAP distribution.

 

 

 

 

 

TAGS: 23 barangay officials, DILG, sap distribution, 23 barangay officials, DILG, sap distribution

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.