Balik-Probinsya program ng gobyerno ipinagtanggol sa Kamara

By Erwin Aguilon May 18, 2020 - 10:39 AM

Iginiit ni House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda na hindi pagpapatapon sa mga lalawigan ang Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) program ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Salceda, mali ang pagkakaintindi ng ilan sa nilalaman ng Executive Order No. 114, dahil hindi nakita ng mga ito ang layuning paunlarin ang iba pang parte ng bansa para magkaroon ng pantay na mga oportunidad sa lungsod at kanayunan.

Malinaw anyang nakasaad sa EO na hindi ang pagsisikip sa mga lungsod gaya ng Metro Manila ang pangunahing problema kundi ang kawalan ng oportunidad sa ibang lugar, hindi balanseng pag-unlad at hindi pantay na distribution ng yaman.

Anya, ang Balik-Probinsya program ay bahagi ng “Dutertenomics” na target ang komportableng buhay para sa lahat ng Pilipino.

Dahilan din ito sabi ni Salceda kung bakiot isinulong nila sa Kongreso ang kinakailangang mga reporma gaya ng CITIRA, at sinuportahan ang Build, Build, Build program at mahahalagang reporma sa agrikultura.

Pahayag ito ng mambabatas matapos tawagin ng mga kritiko ang programa na pagtatapon ng mahihirap sa mga probinsya.

 

 

 

TAGS: balik probinsya program, covid pandemic, COVID-19, department of health, Executive Order No. 114, general community quarantine, Health, Inquirer News, joey salceda, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, balik probinsya program, covid pandemic, COVID-19, department of health, Executive Order No. 114, general community quarantine, Health, Inquirer News, joey salceda, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.