WATCH: Mga motoristang palabas ng Metro Manila dagsa sa unang araw ng pagbabalik sa trabaho

By Dona Dominguez-Cargullo, Jan Escosio May 18, 2020 - 09:10 AM

Ngayong unang araw ng pagbabalik sa trabaho sa mga lugar na nasa General Community Quarantine at Modified Enhanced Community Quarantine, dumagsa ang mga motorista na papasok ng Metro Manila.

Sa boundary ng San Pedro City, Laguna at Muntinlupa City umabot sa 3 kilometro hanggang 4 na kilometro ang pila ng mga sasakyan.

Ito ay dahil isa-isang tinitignan ang laman ng mga sasakyan.

Ang mga lalabas patungong Metro Manila ay dapat may maipakitang certification mula sa kanilang pinagtatrabahuhang kumpanya na magpapatunay na sila ay papasok na sa trabaho.

Mahigpit ding binubusisi kung nasusunod ang social distancing sa mga sasakyan.

Ganito rin ang naging sitwasyon sa boundary ng Cainta at Marikina sa Marcos Highway, gayundin sa boundary ng San Mateo, Rizal at Quezon City.

Dagsa din ang mga sasakyan galing sa North Luzon Expressway (NLEX) patungo ng Metro Manila.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Muntinlupa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, san pedro laguna, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, covid pandemic, COVID-19, department of health, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, Muntinlupa, News in the Philippines, Radyo Inquirer, san pedro laguna, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.