BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 12,305 na
Nadagdagan pa nang mahigit 200 ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Sabado ng hapon (May 16), 12,305 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
214 ang panibagong nadagdag na COVID-19 case sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa 214 na bagong kaso, 147 o 69 porsyento ay naitala sa National Capital Region (NCR) habang 67 o 31 porsyento ay mula naman sa iba pang lugar.
Nasa 11 ang bagong nasawi kung kaya ang COVID-19 related deaths sa bansa ay 817 na.
Sinabi pa ng DOH na 101 namang pasyente ang gumaling sa COVID-19 pandemic.
Dahil dito, ang total recoveries sa COVID-19 sa Pilipinas ay 2,561 na.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.