Red rainfall warning nakataas pa rin sa Quezon; Orange warning nakataas sa sa Laguna at Rizal

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 05:10 PM

Dahil sa tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan na nararanasan nakataas pa rin ang red rainfall warning sa lalawigan ng Quezon.

Sa inilabas na abiso alas 5:00 ng hapon ng Biyernes, May 15, binalaan ng PAGASA ang mga residente sa posibleng ‘serious flooding’ na mararanasan.

Samantala, orange rainfall warning naman ang umiiral sa lalawigan ng Laguna at Rizal.

Habang yellow warning naman sa Metro Manila, Bulacan at Batangas.

Light hanggang moderate at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang nararanasan sa Nueva Ecija, Zambales, Bataan, Pampanga, at Cavite.

Mararanasan ito sa susunod pang mga oras.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga susunod na abiso na ilalabas ng PAGASA.

 

 

TAGS: ambo, Batangas, Bulacan, Inquirer News, laguna, Metro Manila, News in the Philippines, Quezon, Radyo Inquirer, red rainfall warning, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website, ambo, Batangas, Bulacan, Inquirer News, laguna, Metro Manila, News in the Philippines, Quezon, Radyo Inquirer, red rainfall warning, Rizal, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.