BREAKING: Sinas, 18 iba pa kinasuhan na ng PNP dahil sa pagdaraos ng “mañanita”
Sinampahan na ng reklamong kriminal ng Philippine National Police – Internal Affairs Service (PNP-IAS) si National Capital Region Police Office chief Major Gen. Debold Sinas at 18 iba pa dahil sa kabiguang sumunod sa quarantine protocols sa idinaos na “mañanita” noong May 8 para sa birthday ng opisyal.
Ayon kay PNP-IAS director Alfegar Triambulo, 19 ang natukoy para masampahan ng kaso kabilang na si Sinas.
Maliban kay Sinas, pito sa mga kinasuhan ay pawang full-fledged colonels, isang police lieutenant colonel, dalawang police majors, at dalawang two police corporals.
Kasong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang isinampa laban sa kanila at paglabag din sa iba pang umiiral na ordinansa sa Taguig.
Ginanap kasi ang birthday celebration sa NCRPO headquarters sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.
Ibinase ang imbestigasyon sa mga larawan na ibinahagi sa National Capital Region Police Office – Public Information Office’s Facebook page.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.