P66M stimulus package para sa sektor ng agrikultura hiniling
Hiniling ng Department of Agriculture (DA) sa Kamara ang pagkakatoon ng P66-billion stimulus package para sektor ng agrikultura sa gitna ng COVID-19 crisis.
Sa virtual hearing ng House committee on agriculture, sinabi ni Agriculture Sec. William Dar pinakamalaking bahagi sa isinusulong nilang stimulus package ay inilalaan para sa Ahon Lahat, Pagkaing Sapat (Alpas) Kontra Covid-19 Program sa halagang P31 billion.
Sa ilalim ng Alpas Kontra COVID-19 program, P8.24 billion ang inilalaan para sa Rice Resiliency Program, P8 billion para sa Rice Bufferstocking, at P3 billion ang para sa Social Amelioration Program sa mga magsasaka at mangingisda.
Sinabi ni Dar na P20 billion naman ang hinihinging alokasyon ng DA para sa food logistics o food markets kabilang na ang sa pagpapalakas sa price monitoring at enforcement system, pagpapalawak nang suporta sa provincial LGUs at agricultural and fisheries commodity exchange system.
Aabot naman sa P15 billion ang alokasyon na inilalaan ng DA para sa Cash for Work (C4W) Program, na maaring makapagbigay ng trabaho sa 1 million agri-fisheries workers kapalit ang pasahod na aabot ng hanggang P15,000.
Umaasa si Dar na mapagbibigyan ng Kongreso ang kanilang rekomendasyon upara matiyak na rin ang food sufficiency sa gitna ng public health crisis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.