Public transpo sa mga lugar na sakop ng MECQ hindi papayagan – DOTr
Kung sa classroom may batas, mayroon din sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ)!
Pahayag ito ng Department of Transportation (DOTr) gamit ang viral na “Kung sa Classroom may batas” statement ng aktres na si Kim Chiu.
Ayon sa DOTr, sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ, hindi pa rin pinapayagan ang pampublikong transportasyon, at mananatiling limitado ang ilang transport service.
Aon sa DOTr, base sa utos ng IATF ang mga employer ay dapat mag-provide ng shuttle service sa kanilang workforce na papapasukin.
Kung hindi makakapag-provide ng service ay papayuhang huwag munang magbukas.
“Kapag nag-comply ka sa mga ito na kabilang sa batas na ipinapairal ngayon, ginawa mo ang mga importanteng measures ngayong panahon ng #NewNormal, at tuluyan nang ma-flatten ang curve, Aba! Pwede kana ulit lumabas!” ayon sa DOTr.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.