BREAKING: Bagyong Ambo humina pa, isa na lang severe tropical storm ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 02:35 PM

Humina pa ang bagyong Ambo at ngayon ay nasa Severe Tropical Storm category na lamang.

Sa 2PM severe weather bulletin ng PAGASA, ang bagyo ay patuloy na kumikilos patungong Northern Quezon at Laguna area.

Huling namataan ang sentro ng STS Ambo sa bahagi ng Agdangan, Quezon

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 100 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 150 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong northwest sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 ang nakataas sa sumusunod na lugar:
– Ilocos Norte
– Ilocos Sur
– Apayao
– Abra
– Kalinga
– La Union
– Ifugao
– Mt. Province
– Benguet
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Tarlac
– Nueva Ecija
– Aurora
– Pampanga
– Bulacan
– Rizal
– Metro Manila
– Laguna
– eastern portion ng Pangasinan
– western portion ng Isabela
– Cavite
– Quezon
– Pollilo Islands
– Camarines Norte
– western portion ng Camarines Sur
– Marinduque
– Batangas

Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 naman sa sumusunod na lugar:
– Cagayan
– Babuyan Islands
– Batanes
– rest of Pangasinan
– Zambales
– Bataan
– Oriental Mindoro
– Burias Island
– rest of Camarines Sur
– northern portion ng Albay

Naghahatid ang bagyo ng moderate to heavy at kung minsan ay intense rains sa Bicol Region, Quezon, Aurora, Marinduque, Laguna, Rizal, Metro Manila, Bulacan, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, at Quirino.

Bukas ay ganitong lagay na rin ng panahon ang mararanasan sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Aurora, at Nueva Ecija

 

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Severe Tropical Storm Ambo, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather, Inquirer News, News in the Philippines, Pagasa, Radyo Inquirer, Severe Tropical Storm Ambo, Tagalog breaking news, tagalog news website, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.