Guro na nagpost ng P50M reward sa pagpatay kay Pangulong Duterte hiniling na palayain
Kinalampag ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang gobyerno na palayain na ang guro na nag-post sa social media ng P50 million reward sa makapapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tinawag ni Castro na ‘double standard’ ang pagkaka-aresto ng NBI sa gurong si Ronnel Mas.
Ayon sa kongresista, kung tutuusin nga ay mismong si Pangulong Duterte ay ilang beses na nagbanta na papatayin at i-shoot to kill ang mga kritiko ng pamahalaan na nagresulta sa pagkamatay at harassment ng mga human rights defenders.
Bukod sa pagiging ‘double standard’ ay hindi rin dumaan sa due process ang pagkaka-aresto sa guro.
Binatikos din ng mambabatas ang paraan ng pagtatanong ng NBI agent sa guro na ini-upload pa sa social media na wala man lamang abogado sa tabi nito na malinaw na paglabag sa custodial rights ng guro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.