Rainfall advisory nakataas pa rin sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan
Patuloy na nakararanas ng pag-ulan dahil sa Typhoon Ambo ang Metro Manila at mga kalapit nitong lalawigan.
Sa inilabas na rainfall advisory ng PAGASA alas 11:00 ng umaga ng Biyernes, May 15 light to moderate na pag-ulan ang nararanasan sa Zambales at Cavite.
Mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Pampanga, Bulacan, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Pinapayuhan ang mga residente sa nasabing mga lugar na maging maingat at mag-antabay sa mga susunod pang abiso ng PAGASA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.