Pamumudmod ng SAP funds, ipinalilipat sa mga barangay

By Erwin Aguilon May 15, 2020 - 10:47 AM

Ipinalilipat ni Marikina Rep. Bayani Fernando na bigyan ng kapangyarihan ang mga barangay na tukuyin ang mga benepisyaryo at siyang mamahagi ng alokasyon Para mapabilis ang pamimigay ng ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Sa inihaing House House Resolution No. 807 na agad ring tinalakay at inaprubahan ng
House Committee on Social Amelioration cluster, ipinalilipat ni Fernando ang implementasyon ng SAP sa DILG na idadaan naman sa mga barangay.

Paliwanag nito, mas alam o kilala ng mga barangay ang kanilang nasasakupan kaya sila ang dapat na manguna sa programa.

Ipinanukala rin ng kongresista na bigyan ng uniform na halagang P5,000 ang bawat pamilya sa Luzon, mapa-mayaman man, mahirap o middle class.

Para sa magiging proseso, ipinaliwanag ni Fernando na maglalabas ang mga barangay ng listahan ng benepisyaryo na sesertipikahan ng Sangguniang Barangay sa pamamagitan ng resolusyon at isasapubliko ito.

Isusumite ang listahan sa DILG secretary para ma-review na siya namang magsusumite sa
Department of Budget and Management (DBM).

Ang SAP funds ay direktang ire-release ng DBM sa mga barangay kaya magiging kargo ito ng punong barangay at treasurer kaya ang mga ito rin ang mananagot kung merong anomalya sa listahan at sa disbursement ng pondo.

 

 

 

TAGS: barangay, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap dsitrbution, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, barangay, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, Radyo Inquirer, sap dsitrbution, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.