Pangulong Duterte pinaghahanap ng budget ang DBM para mabigyan ng 2nd tranche ng SAP ang mga pamilya sa mga lugar na nasa GCQ

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 10:10 AM

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyan pa rin ng ikalawang tranche ng cash subsidy sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) ng pamahalaan ang 23 milyong pamilyang beneficiries kahit pa marami nang lugar ang sasailalim na lang sa general community quarantine simula bukas.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inatasan ng pangulo si Budget Secretary Wendel Avisado na maghagilap ng pondo na paghuhugutan ng perang ibibigay sa mga pamilya.

Pinahahanap ng pangulo ang DBM ng budget na pwedeng i-realign para maisakatuparan ang 2nd tranche ng cash subsidy.

Ang nais aniya ng pangulo ay maibigay ang ikalawang tranche ng tulong-pinansyal sa mga lugar na nasa MECQ at GCQ.

Ibig sabihin, kung may mapaghahanapan ng pondo, ang mga pamilyang una nang tumanggap ng SAP ay makatatanggap muli ng 2nd tranche nito.

Binanggit din ng pangulo ang pagbebenta sa ilang asset ng gobyerno para pagkuhanan ng pangtulong sa mga tao.

 

 

 

 

TAGS: cash subsidy, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, sap, social amelioration program, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, cash subsidy, covid pandemic, COVID-19, department of health, dswd, general community quarantine, Health, Inquirer News, Modified enhanced community quarantine, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, sap, social amelioration program, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.