Mahigit 600 cargo drivers at helpers stranded dahil sa Tyhoon Ambo – PCG

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 09:48 AM

Nakapagtala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng 604 na stranded na cargo drivers at helpers sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito ay dahil sa pananalasa ng Typhoon Ambo.

Ayon sa Coast Guard ang mga stranded na cargo drivers at helpers ay nasa Batangas, Oriental Mindoro, Romblon, at Quezon; Albay, Sorsogon, at Masbate; at sa Leyte, Samar, at Biliran.

Suspendido din ang operasyon ng 321 na rolling cargoes, 19 na cargo vessels, at tatlong motorbancas.

Patuloy naman ang 24/7 nationwide monitoring ng PCG Operations Center para matiyak na walang makapaglalayag ngayong mayroong bagyo.

Inalerto na rin ang lahat ng PCG Districts at Stations upang agarang makaresponde sakaling may maitalang emergency situations.

 

 

TAGS: Inquirer News, News in the Philippines, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded cargo drivers and helpers, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather, Inquirer News, News in the Philippines, philippine coast guard, Radyo Inquirer, stranded cargo drivers and helpers, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.