Mga lalawigan sa Northern Luzon nakararanas na ng pag-ulan dahil sa Typhoon Ambo

By Dona Dominguez-Cargullo May 15, 2020 - 08:02 AM

Inuulan na rin ang maraming lugar sa northern Luzon dahil sa Typhoon Ambo.

Sa rainfall advisory ng PAGASA, alas 7:42 ng umaga, ang bagyong Ambo ay naghahatid na ng mahina hanggang katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa Mountain Province.

Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan din ang nararanasan sa mga bayan ng Tabuk, Tanudan, at Rizal sa Kalinga; mga bayan ng Bokod, Itogon, Kabayan, Buguias, Mankayan, sa Benguet, Baguio City; mga bayan ng Mangatarem, Aguilar, Tayug, Asingan, Sta.Maria, at Balungao sa Pangasinan; mga bayan ng Roxas, Mallig, Quezon, Delfin Albano, Quirino, Burgos, at Gamu sa Isabela.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga apektadong lugar na maging handa at maingat sa posibleng pagbaha,

Maari ding makaranas ng landslides, mudslides, o rock slides sa mga bulubunduking lugar.

 

 

 

 

TAGS: Inquirer News, Kalinga, Mt Province, News in the Philippines, northern luzon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo, Inquirer News, Kalinga, Mt Province, News in the Philippines, northern luzon, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Typhoon Ambo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.