Heavy Rainfall warning nakataas sa Sorsogon, Northern Samar at Albay
Patuloy na nagpapaulan ang Typhoon Ambo sa maraming lalawigan sa Southern Luzon at maging sa Samar Provinces.
Sa inilabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 5:00 ng umaga ngayong Biyernes, May 15 nakataas na ang orange rainfall warning sa Sorsogon at Northern Samar.
Yellow rainfall Warning naman ang nakataas sa buong lalawigan ng Albay.
Ayon sa PAGASA ang patuloy na malakas na pag-ulan na nararanasan sa nasabing mga lugar ay maaring magdulot na ng flash flood o kaya ay landslide.
Samantala, nakararanas din ng katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan at kung minsan ay intense rains ang Catanduanes, Masbate kabilang ang Burias Island at Ticao Island, Romblon, Marinduque, Camarines Sur, at Camarines Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.