LOOK: Limang lugar na nakaranas ng pinakamaalinsangang panahon sa bansa, May 14

By Angellic Jordan May 14, 2020 - 11:31 PM

Sa kabila ng umiiral na Typhoon Ambo, naging mainit at maalinsangan pa rin ang panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, limang synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Huwebes (May 14).

Pumalo sa 48 degrees Celsius ang heat index sa Science City of Muñoz bandang 2:00 ng hapon.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Ambulong, Tanauan City – 47 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Aparri, Cagayan – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Calapan City – 45 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Dagupan City – 45 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.

Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.

TAGS: heat index May 14, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 14, heat index May 14, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, weather update May 14

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.