Nadagdagan pa ang bilang ng mga pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa monitoring report hanggang 6:00, Huwebes ng gabi (May 14), sinabi ng PNP Health Service na umabot na sa 204 confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Nasa 667 na pulis ang itinuturing na probable case habang nanatili sa 390 ang suspected cases.
Samantala, tumaas din ang bilang ng mga gumaling na PNP personnel sa COVID-19 pandemic.
Sa huling tala, 66 na ang total recoveries sa hanay ng pambansang pulisya sa naturang sakit.
Nanatili naman sa apat na pulis ang pumanaw bunsod ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.