Typhoon Ambo nasa bahagi na ng Catarman, Northern Samar
Napanatili pa rin ang lakas ng Typhoon Ambo habang nasa bahagi ng Northern Samar.
Batay sa severe weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa bisinidad ng Catarman, Northern Samar bandang 7:00, Huwebes ng gabi (May 14).
Taglay pa rin ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 155 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 255 kilometers per hour.
Tinatahak nito ang direksyong pa-Kanluran sa bilis na 15 kilometer per hour.
Dahil dito, nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal sa mga sumusunod na lugar:
Signal no. 3:
– Sorsogon
– Albay
– Masbate kabilang ang Ticao at Burias Islands
– Catanduanes
– Camarines Sur
– Camarines Norte
– Marinduque
– southern portion ng Quezon (Pagbilao, Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Plaridel, Unisan, Gumaca, Pitogo, Perez, Alabat, Quezon, Tagkawayan, Calauag, Lopez, Macalelon, General Luna, Catanauan, Buenavista, Guinayangan, Mulanay, San Narciso, San Andres, San Francisco)
– Northern Samar
– northern portion ng Eastern Samar (Jipapad, Arteche, Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Can-avid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan City, Maydolong)
– northern portion ng Samar (Calbayog City, Sta. Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, Matuguinao, San Jose de Buan, Catbalogan, Jiabong, Motiong, Paranas, Tarangnan, San Sebastian, Hinabangan)
– Biliran
Signal no. 2:
– nalalabing bahagi ng Quezon
– Romblon
– Laguna
– Batangas
– Rizal
– northernmost portion ng Leyte (Calubian, San Isidro, Tabango, Leyte, Capoocan, Carigara, Barugo, San Miguel, Babatngon, Tunga, Alangalang, Sta. Fe, Palo, Tacloban City, Jaro)
– nalalabing bahagi ng Samar
– nalalabing bahagi ng Eastern Samar
Signal no. 1:
– Aurora
– Nueva Ecija
– Bulacan
– Metro Manila
– Cavite
– Bataan
– Pampanga
– Isabela
– Nueva Vizcaya
– Quirino
– Tarlac
– Zambales
– Oriental Mindoro
– Pangasinan
– Ifugao
– Benguet
– La Union
– nalalabing bahagi ng northern portion ng Leyte (Villaba, Kananga, Matag-ob, Palompon, Ormoc, Merida, Isabel, Ormoc City, Albuena, Pastrana, Dagami, Tanauan, Tabontabon, Tolosa, Barauen, Julita, Dulag),
– northeastern portion ng Capiz (Pilar)
– northeastern portion ng Iloilo (Carles, Balasan, Estancia, Batad)
– Northern Cebu (Medelin, Daanbantayan, Madridejos, Bantayan, Santa Fe)
Sinabi ng PAGASA na magdudulot ang eyewall ng Typhoon Ambo ng malakas na buhos ng ulan sa northern portion ng Northern Samar.
Huwebes ng gabi, May 14, heavy to at times intense rains ang mararanasan sa Samar Provinces, Masbate, at Sorsogon.
Katamtaman na kung minsan ay mabigat na pag-ulan naman ang iiral sa Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at nalalabing bahagi ng Eastern Visayas.
Dagdag pa ng weather bureau, mapanganib pumalaot ang lahat ng uri ng sasakyang pandagat sa seaboards ng mga lugar na nakasailalim sa TCWS.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.