Yellow rainfall warning nakataas sa Biliran, Samar at Eastern Samar
By Angellic Jordan May 14, 2020 - 05:05 PM
Itinaas ng PAGASA ang heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Visayas.
Sa inilabas na abiso bandang 5:00, Huwebes ng hapon (May 14), ito ay dulot pa rin ng Typhoon Ambo.
Nakataas ang yellow warning level sa Biliran, Eastern Samar at Samar.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar at pagguho ng lupa sa mga mabubundok na lugar.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.