“Microcephaly sa Brazil, kemikal sa tubig ang dahilan at hindi ang Zika” – Argentine Physicians

By Dona Dominguez-Cargullo February 15, 2016 - 10:14 AM

Ueslei Marcelino / Reuters
Ueslei Marcelino / Reuters

Ang outbreak ng sakit na “microcephaly” na nagdudulot ng “brain defect” sa mga sanggol sa Brazil at ay wala umanong kaugnayan sa Zika virus.

Ito ang inihayag ng grupo ng mga duktor sa Argentina kasabay ng patuloy na pag-ugnay ng Zika virus sa dumaraming kaso ng microcephaly sa Brazil.

Ayon sa grupong Physicians in Crop-Sprayed Towns (PCST), hindi Zika kundi ang kemikal na “larvicide” na nakukuha sa tubig sa Brazil ang maaring dahilan ng birth defect.

Ang chemical na “larvicide” at kilala sa tawag na “Pyriproxyfen” ay inihalo umano sa water supplies sa Brazil noong 2014 para mapigilan ang pag-develop ng lamok sa drinking water tanks. “Malformations detected in thousands of children from pregnant women living in areas where the Brazilian state added pyriproxyfen to drinking water is not a coincidence,” ayon sa report na inilabas ng PCST.

Ang paghahalo ng nasabing kemikal sa tubig ay bahagi ng massive government-run program para makontrol ang pagdami ng lamok. Ang Pyriproxyfen ay gawa ng Sumimoto Chemical na Japanese subsidiary ng kumpanyang Monsanto.

Inihalimbawa sa report ng grupo ang state ng Pernambuco, kung saan, ang Brazilian Health Ministry ay nag-inject ng “pyriproxyfen” sa water reservoirs. Sa nasabing lugar naitala umano ang 35% ng kabuuang kaso ng microcephaly sa Brazil.

Binanggit din ng grupo na sa Colombia kung saan mayroon ding naitalang maraming kaso ng Zika ay wala namang naitatalang kaso ng microcephaly.

Sa kabila ng sabay na pagtaas ng kaso ng Zika at microcephaly sa Brazil, patuloy na nagiging maingat ang World Health Organization (WHO) sa pag-uugnay sa dalawang sakit.

Ayon kay WHO General Director Margaret Chan, hindi pa nakukumpirma at wala pang sapat na ebidensya na magsasabing talagang may kaugnayan sa Zika infection sa microcephaly.

TAGS: microcephaly not related to zika says Argentine doctors, zika virus, microcephaly not related to zika says Argentine doctors, zika virus

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.