Paglilikas sa 80,000 pamilya sa Albay dahil sa banta ng Typhoon Ambo inihahanda na
Inatasan na ng Albay Public Safety Emergency and Management Office (APSEMO) ang mga local disaster councils sa lalawigan na ilikas ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar dahil sa inaasahang epekto ng Typhoon Ambo.
Ayon kay APSEMO chief Cedric Daep, mayroong 80,000 pamilya o 400,000 katao sa lalawigan na naninirahan sa low-lying areas, tabing-dagat na prone sa pagbaha at mga bulubunduking lugar na prone naman sa pagguho ng lupa.
Inatasan ang local disaster officials na sundin ang evacuation at health protocols sa gagawing paglilikas sa mga residente.
May mga paiiraling pagbabago sa evacuation areas lalo ngayong mayroong banta ng COVID-19 sa bansa.
Sa 8am weather bulletin ng PAGASA ay nakataas na ang signal number 3 sa Sorsogon at eastern section ng Albay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.