Dagdag pa 5 milyong pamilya para sa SAP isinasapinal pa ng DSWD
Wala pang pinal listahan para sa dagdag na 5 milyong pamilya na idinagdag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mapapasama sa Social Amelioration Program ng pamahalaan.
Sa ngayon ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) inilalatag pa nila ang guidelines para sa karagdagang 5 milyong pamilyang beneficiaries.
Sinabi ni Social Welfare and Development Usec. Glen Paje sa panayam ng Radyo Inquirer na kailangan aniyang dumaan sa masusing validation para matiyak na pawang karapat-dapat na pamilya talaga ang makatatanggap.
May tsansa aniya na mapasama sa 5 milyong dagdag na beneficiaries ang mga pamilyang naghain ng apela sa local social welfare office nila.
Samantala, sinabi ng DSWD na kung ang lugar ay malilipat na sa pag-iral ng general community quarantine, ang mga pamilyang tumanggap ng ayuda ay hindi na makaaasa ng second tranche.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.