12 toneladang illegal campaign materials, nabaklas ng MMDA

By Erwin Aguilon February 15, 2016 - 10:04 AM

campaign poster MMDA Public Information Office
MMDA PIO

Tinatayang aabot sa 12 toneladang campaign materials ang nakumpiska ng mga tauhan ng Oplan Baklas ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.

Ayon kay Francis Martinez, pinuno ng Oplan Baklas, simula noong February 9 nasa dalawang tonelada kada araw ang kanilang naalis na mga posters ng mga pulitiko sa mga ipinagbabawal na lugar.

Dinadala anya ang mga ito sa iba’t ibang imbakan ng MMDA matapos mai-dokumento na gagamitin nilang ebidensya sa pagsasampa ng kaso laban sa tinawag nilang mga “epalitiko”.

Sinabi ni Martinez na tuloy-tuloy pa rin ang kanilang gagawing pagtatanggal sa mga poster ng mga pasaway na pulitiko sa iba’t ibang panig ng Metro Manila hangga’t hindi natututo ang mga epalitiko.

Karamihan sa mga nabaklas ang mga posters na nasa mga poste ng kuryete, kawad ng kuryente, mga puno at lampposts.

TAGS: mmda oplan baklas, mmda oplan baklas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.