Karagdagang 25 kaso ng COVID-19 ang naitala sa Lungsod ng Maynila.
Ayon sa MHD/MEOC COVID-19 monitoring hanggang 5:00, Miyerkules ng hapon (May 13), umakyat na sa 957 ang bilang ng tinamaan ng nakakahawang sakit sa lungsod.
Sa nasabing bilang, 716 ang aktibong kaso.
Naitala ang pinakamataas na bilang ng COVID-19 case sa Tondo 1 na may 193 cases.
Sumunod dito ang Sampaloc na may 125 na kaso ng nakakahawang sakit.
Samantala, 380 na ang itinuturing na probable cases sa lungsod habang 1,177 ang suspected cases.
Umakyat naman sa 153 ang naka-recover mula sa sakit sa Maynila at nanatili sa 88 ang nasawi dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.