ECQ may positibong naidulot sa sektor ng agrikultura
May positibong naidulot sa sektor ng agrikultura ang pagpapatupad ng enhanced community quarantine.
Sa virtual hearing ng House Committee on Agriculture, sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na nabawasan ang pagkalat ng African Swine Fever o ASF.
Napigilan aniya ang pagpasok ng mga kontaminadong karne na hinihinalang may ASF.
Hindi na aniya kumalat pa sa ibang lugar ang sakit na ASF dahil sa ipinapatupad na restrictions lalo na sa mga kargamentong pumapasok sa mga probinsya na agad na nahaharang ng mga otoridad.
Inamin naman ni Dar na mayroon pa ring kakaunti na lamang na infected ASF sa ilang mga lalawigan at munisipalidad na siyang tinatrabaho ngayon ng ahensya.
Samantala, umapela ang kalihim sa mga mambabatas na suportahan ang ahensya para tumaas ang kanilang food sufficiency level.
Inamin ng DA na bahagyang tumaas ang presyo ng bigas dahil sa ECQ na nagbunga sa kakulangan ng domestic production.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.