Per head na cash grant ng Makati matatanggap ng mga residente sa pamamagitan ng GCash ng Globe

By Dona Dominguez-Cargullo May 13, 2020 - 10:43 AM

Para matiyak ang contactless cash distribution nakipagkasundo ang Makati City government sa Globe para maipamahagi ang cash assistance sa mga residente.

Gamit ang GCash ng Globe, matatanggap ng mga residente ng Makati ang P5,000 ayuda ng lokal na pamahalaan sa lahat ng mamamayan nito na edad 18 pataas.

Sa ilalim ito ng P2.7 billion na Makatizen Economic Relief Program ng lungsod.

Sa halip na mano-manong i-disburse o iabot sa mga residente ang pera, upang maiwasan ang physical contact ay papasok ang tulong-pinansyal sa GCash.

“Makati City has always been one of the most forward-looking local governments in the Philippines, and GCash is ready to help it achieve its goal. We are happy to see our platform being used by government units to fight Covid-19 and ultimately flatten the curve. GCash provides a quick, safe and secure data-driven disbursement platform for the city,” ayon kay GCash Vice President for Enterprise Luigi Reyes.

Tinatayang aabot sa mahigit 500,000 mamamayan ng Makati ang makatatanggap ng naturang tulong.

Per head din ang tulong-pinansyal at hindi per family. Ibig sabihin, ang isang bahay na mayroong 4 na residente na edad 18 pataas ay makatatanggap ng P20,000 na tulong pinansyal.

Kwalipikado ring tumanggap nito ang mga dati nang beneficiaries ng Social Amelioration Program (SAP), kabilang ang mga senior citizens, persons with disability, informal workers, at solo parents.

 

 

 

 

TAGS: BUsiness, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Globe GCash, Health, Inquirer News, Makati, Makatizen Economic Relief Program, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, covid pandemic, COVID-19, department of health, enhanced community quarantine, Globe GCash, Health, Inquirer News, Makati, Makatizen Economic Relief Program, News in the Philippines, Radyo Inquirer, State of Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.